MESSAGES

Pasasalamat sa ating Panginoon sa patuloy na pagkakaloob sa atin ng buhay at lakas!

Ang inyo pong lingkod ay lubos na nagagalak nang aming matanggap ang inyong liham na nagsasabing tuloy ang pagsasagawa ng Bulacan Business Conference (BBC) at Bulacan Food Fair and Exposition (BUFFEX) ngayong taong 2020 via online.

Malaki ang naging epekto ng kasalukuyang pandemya sa ating ekonomiya. Maraming negosyo at mangangalakal ang nanganganib ngayon na magsara dahil sa malaking kalugihan at ang iba pa nga ay tuluyan nang nagsara.

Subalit hindi tayo papayag na magsawalang kibo at hayaan na maging ganito ang takbo ng pagnenegosyo at pangangalakal sa ating mahal na Lalawigan. Kaya ang inyo pong Cong. “Kuya” ay buong suportang nasa likod ng inyong inilunsad na BUFFEX Online na magbibigay ginhawa sa mga Bulakenyong negosyante at mangangalakal sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malawak na merkado.

Asahan po ninyo na kaisa kami sa ganitong mga proyekto para sa kapakanan hindi lamang ng mga kasalukuyang nasa pagnenegosyo at pangangalakal kundi maging ng mga nagnanais pumasok sa ganitong larangan upang sama-sama tayong mabuhay nang ligtas, payapa at marangal sa gitna ng kasalukuyang pandemya.

Ora Et Labora. Diyos at Bayan,

CONG. “KUYA” JOSE ANTONIO R. SY-ALVARADO
Member, House of Representatives (Kinatawan ng Unang Distrito ng Bulacan sa Kongreso)