The much-awaited biggest food fair and exhibit in BULACAN is BACK!!

TARA NA, WAG NA MAGPATUMPIK TUMPIK PA..

Naghahanap ka ba ng tamang timing para mai-promote ang iyong produkto at serbisyo? Pwede ka mag-sponsor.

Ikaw ba ay may food business na, nagsisimula o magsisimula pa lamang? Naghahanap ka ba ng tamang lugar upang mai-promote o makilala ang masarap mong lutuin at iba pang produkto? Pwede ka maging exhibitor. BILIS hangga't may available pang mga booths!

Mahilig ka ba mag foodtrip? Gusto mo bang madiskubre, o matikman ang ibat ibang produktong pagkain kung saan kilala ang mahal nating Bulacan? O baka naman naghahanap ka ng ideya sa nais mong simulang negosyo sa food industry? Tara punta ka sa BUFFEX, isama ang iyong kapamilya, kapuso, kapatid,dabarkads, kahit buong barangay pa. LIBRE ang entrance!

Marunong at masarap ka ba magluto ng Chicken and Beef Pochero? Sali ka na sa On-the-Spot Cooking Contest. Malay mo ito na ang moment na hinihintay mo! HS o College students ka ba? Magaling sumayaw? Bumuo na ng grupo at sumali sa Sayawan sa BUFFEX. Fill out lang ng registration form at magpa-endorse sa inyong paaralan. Baka kayo na ang aming susunod na champion sa sayawan sa BUFFEX.

Para naman sa mga mag-aaral sa elementarya na magagaling sa pagkanta, AWITAN SA BUFFEX ang para sa iyo. Baka ikaw na ang susunod na mapapasama sa hanay ng aming mga BUFFEX KIDS CHAMPIONS!

Para sa mga genius ng kanilang kolehiyo, unibersidad o training centers, ipamalas ang inyong talino sa BUFFEX FOOD QUIZ BEE. Oh, mga food vloggers dyan, join na kayo sa Tiktok Contest | Content Creation na may temang "Tangkilikin ang BUFFEX". Ipakita ang inyong pagiging malikhain sa larangan ng vlogging.

Syempre pa, para sa mga mahihilig sa Zumba, bumuo na ng inyong grupo... tuloy ang saya sa Zumba sa BUFFEX. Fit ka na, masaya pa.

TARA NA AT SUMAMA SA BUFFEX FUN.

Ang BUFFEX 2022 ay isa sa programa na nakapaloob sa pagdiriwang ng SINGKABAN FESTIVAL. Huwag palampasin.

DAY 3

PUTTING YOUR BUSINESS ONLINE? DO IT THE RIGHT WAY!

Learn how to create an effective digital marketing strategy. Know the trends and connect effectively with your target market.

Attend the seminar "Trends in Digital Marketing" on September 7, 2022, Wednesday, 9:30 AM. Learn from the "Marketing Sensei", Mr. Jerry Cocabo-Yao, a certified professional marketing educator and an accredited speaker of Go Negosyo- Philippine Center for Entrepreneurship.

For seats reservation, register for FREE thru this link or Scan QR Code BUFFEX 2022 will run from September 5-10, 2022. See you all there.